Been a while since the last post, so many stuff that are supposed to be posted were not posted at all due to the passing of time. Hindi na mainit ang balita kaya hindi na nailabas. Anyways, updates is needed here and there, and a LOT has happened in between. Summarize ko na lang ang mga posts na hindi umabot:
1. Zamboanga issue. Tulad ng sinasabi ng iba, posibleng diversion ito para malayo ang atensyon ng mga tao sa Pork scam issue. Sarado ang mga opisina ng gobyerno at maraming pwedeng nangyari behind the scenes kasi nagkaroon ng mini-lockdown sa Zambo. 2. Wala na ang show ni Willie. Yun na. 3. Dumaan ang ilang bagyo habang walang bagong post dito. 4. At lumindol. Ouch. Mas masakit kasi tuwang-tuwa ang mga sakim dahil sa "natural" distraction na ito. Ilan lamang 'yan sa mga balitang hindi nakaabot sa oras, pero humabol pa rin kahit papano. BONUS: Kumakalat ngayon sa mga social networking sites ang isang larawan ng dalawang matanda (lolo at lola ng nag-post ng orihinal na imahe) na biktima ng lindol. Nakuha ito ang atensyon ng mga tao dahil sa mensahe na nakalakip sa larawan -- hindi daw nakakuha ng relief good si lolo at lola dahil HINDI NA SILA MAKAKABOTO. Okay. Spark the rage. Natural, kung totoo ito magagalit ang mga tao sa kalokohan ng mga taong dapat walang pili kung tumulong. Tsk, mukhang ang bayanihan ng Xambayanan ay nawawala na ng tuluyan. Please naman oh, umayos kayo.
Comments
|
XAMBAYANPinoy na Pinoy. Poll!
Vault
April 2017
Topics
All
|