Naka half-mast ngayon ang mga bandila ng Pilipinas sa lahat ng tanggapan ng Gobyerno at sa mga paaralan sa bansa. Ito ay bilang pakikiramay at pagluluksa ng bansa sa pagpanaw ng DILG Secretary Jesse Robredo, kasama ang dalawang piloto sa isang hindi inaasahang trahedya na naganap noong sabado. Isa lang ang nakaligtas, si Senior Inspector June Abrazado na di-umanoy tumilapon palabas ng eroplano bago ito mag crash-landing sa dagat. Nag-crash ang sinasakyang private plane na isang twin-enging Piper Seneca pasado alas-kwatro ng hapon dito sa Pilipinas. Umabot ang paghahanap ng ilang araw bago matagpuan ang ma-recover ang katawan ni Sec. Robredo na nasa loob pa ng lumubog na eroplano sa lalim na nasa 180 na talampakan.
Comments
|
XAMBAYANPinoy na Pinoy. Poll!
Vault
April 2017
Topics
All
|