National Election na naman sa palapit na Mayo, at kasama na dito ang eleksyon sa lokal na lebel. Ngunit Pebrero pa lang ay naaamoy na ng mga estudyante ang amoy ng pulitika. Sa mga iba't-ibang paaralan ay halalan na naman. Elementarya hanggang Kolehiyo ay mayroong council na kung saan sila ang namamahala ng mga bagay-bagay na makakatulong sa pagunlad ng kalidad ng buhay-estudyante sa kani-kailang pamantasan. Kani-kanilang partido at plataporma. Kani-kanilang gimik para makilala.
Sa elementarya at hayskul ay usong-uso ang mga kwelang pagpapakilala, bigayan ng sticker, bookmarks, kendi, at kung anu-ano pang pwedeng maibigay. Malamang epektib, kasi hanggang ngayon ay uso pa rin ang mga teknik na ito. Ayos din naman ang eleksyon sa mga bata para maaga pa silang maexpose sa mga ganitong bagay, at sa responsibilidad. 'Wag lang sana sila maging corrupt sa hinaharap. Sa Kolehiyo naman ay mas pormal, pero syempre may mga gimik pa rin para makilala ang mga kandidato. Astig din ang away sa lebel na ito. Dahil sa trend sa ugali ng mga estudante ngayon ay hindi maiiwasang may mga pagkakaibigang masisira, may mga palitan ng mga maasakit na salita (o suntok), at may mga kakaibang uri ng pagkuha ng mga boto. "Hardcore" man masasabi ang eleksyon sa mga paaralan at mga unibersidad ay hindi pa rin ito makakapantay sa klaseng HARDCORE sa pambansang lebel. Aba'y mahirap nang gumawa ng listahan at isa-isahin dahil talagang kakaiba ang mga paraan kung paano makadami ng boto. Pero sa huli, isa pa rin ang dapat tandaan... usisain ang bawat kandidato, at dapat SWAK sa PWESTO!
Comments
|
XAMBAYANPinoy na Pinoy. Poll!
Vault
April 2017
Topics
All
|