Dahil tamad ang karamihan na magbasa, heto ang mga importanteng bagay na dapat ninyong malaman - mga gawaing ilegal ayon sa Cybercrime Prevention Law. Medyo mahaba pa rin, pero ok na 'yan ha!
SEC. 4. Cybercrime Offenses (a) Offenses against the confidentiality, integrity and availability of computer data and systems: (1) Illegal Access In short, kung hacker ka, matakot ka. (2) Illegal Interception Bawal mang-wiretap. Mukhang agree mga pulitiko dito ah. (3) Data Interference (4) System Interference Bawal mangialam ng gadgets/files ng iba. Bawal magbigay ng mga computer virus. Yun na. (5) Misuse of Devices Bawal gumamit ng mga computer para sa mga krimen. Bawal mamigay ng password ng ibang tao. (6) Cyber-squatting Mga manloloko. Halimbawa, gagawa ka ng site na katulad ng Facebook para manloko. Kulong ka. (b) Computer-related Offenses (1) Computer-related Forgery Bawal mag-hack. (2) Computer-related Fraud Huwag maglagay ng spyware at malware. Nakakainis. (3) Computer-related Identity Theft Bumili ka raw sa Ebay pero hindi ka naman bumili. Naloko ka. Ipakulong mo ang mga manlolokong 'yan. (c) Content-related Offenses (1) Cybersex Kailangan pa bang i-explain??? (2) Child Pornography Bawal na ito sa ibang bansa, mind you. (3) Unsolicited Commercial Communications Mga nakakainis na ads? Aba'y protektado ka na ng Cybercrime Prevention Law! (4) Libel Bawal manira ng ibang tao sa internet. Period. Kaya 'wag niyo na awayin si Sen. S***o. SEC. 5. Other Offenses (a) Aiding or Abetting in the Commission of Cybercrime Bawal tumulong sa lokong gustong gumawa ng Cybercrime. (b) Attempt in the Commission of Cybercrime Bawal gumawa ng Cybercrime. Simple. SEC. 6. All crimes defined and penalized by the Revised Penal Code ... Mga krimen na sa lansangan lang noon at nasa internet na ngayon. SEC. 7. Liability under Other Laws Depende sa ibang batas ng bansa. SHARE NYO SA IBA PARA EVERYBODY HAPPY. BUONG KWENTO SA: http://www.gov.ph/2012/09/12/republic-act-no-10175/
Comments
Noong unang panahon, karamihan sa mga Pilipino ay walang pakialam sa mga internet memes. Nagsimula sa mga demotivational posters at nag-evolve na parang double rainbow, all the way. Hindi nila alam kung ano ang troll face, at hindi sila nagsasalita ng "Y U NO (insert word)". Ngunit - subalit - datapwat, nadiskubre ng mga Pinoy at ikinalat ang bagong nadiskubrehan: ang 9GAG. Simula noon, kumalat na ang internet memes sa Pilipinas. Naging pampalipas oras, naging "viral", ika nga. Mayroon pa ring pumupunta sa 9GAG na hindi alam kung anong klaseng patawa ang binabasa nila. At crush nila si Derpina. Bakit nga ba? WHY??? Ito na nga ba ang senyales ng END OF THE WORLD na sinasabi ng iba? True Story talaga.
|
XAMBAYANPinoy na Pinoy. Poll!
Vault
April 2017
Topics
All
|