Parating na ang fighting game para sa mga Pokemon Trainers!
Comments
PRESIDENT PROCLAMATION 326 s2012 DECLARING THE FOURTH MONDAY OF SEPTEMBER OF EVERY YEAR AS “KAINANG PAMILYA MAHALAGA” DAY AND AMENDING PROCLAMATION NO. 1895 (S. 2009) ALAM NYO BA?
Ayon sa commercial na ito ng Lucky Me!, 3 sa 4 na teenager ay ayaw kumain kasama ang pamilya. Dahil ito sa hindi magandang hapag-usapan, kung saan sa halip na kumain ng masaya o maayos ay nauuwi sa hindi magandang usapan na nagiging sanhi ng hindi pagiging kumportable ng bata at pagnanais na lumayo na lamang. Layunin ng "Kainang Pamilya Mahalaga" Day tuwing ika-apat na lunes ng Setyembnre ng bawat taon na pagtibayin ang relasyon ng pamilya ang pangunahing yunit ng ating lipunan. FLASHBACK Panoorin din ang commercial ng Lucky Me! para sa Kainang Pamilya Mahalaga Day sa taong 2013. Tungkol naman ito sa mga batang hindi nagkakaroon ng maayos na hapag-usapan. #FOMO.
Sa kasalukuyan, marami sa ating mga Pinoy ay mayroong mga accounts sa iba't ibang Social-Networking sites tulad ng Facebook, Instagram at Twitter. Dahil dito, palagi tayong updated sa mga ginagawa ng ating mga kaibigan at mahal sa buhay. Masusundan natin ang kanilang mga bagong aktibidad, mga lugar na pinupuntahan, at kung anu-ano pang nauuso. Bunga na din ng lagi nating pagiging konektado, ang ilan sa atin ay nagkakaroon ng "FOMO." Ano nga ba ang FOMO? Ang FOMO o Fear of Missing Out ay isang uri ng social anxiety na dulot ng takot na maka-miss ng social interaction, satisfying experience, at mga interesting/exciting events. Kadalasan itong dulot ng pagiging laging konektado sa social networking at kahit na sa ating mga telepono at mobile phones. Kung may FOMO ka, kadalasan ay hindi ka mapakali at dapat ay lagi kang updated sa mga bagong status updates o mga aktibidad ng mga kilala natin, mga kaibigan man o kahit na mga artista na iniidolo natin. Isa din ito sa mga paraan ng iba nating kaXambayan upang sila ay mapansin, mahalin, at respetuhin. Gusto mo bang malaman kung ikaw o ang iyong mga kakilala ay mayroong FOMO? Subukan ninyong sagutin ang mga simpleng Quiz na ito: Rate My FOMO "How Badly Do You Suffer From FOMO?" via BuzzFeed May FOMO ka ba? Ano ang inyong masasabi tungkol dito? Maari ninyong ibahagi ang inyong mga iniisip sa pamamagitan ng pag-comment sa post na ito. |
XAMBAYANPinoy na Pinoy. Poll!
Vault
April 2017
Topics
All
|