Mahilig ka ba sa powedered drinks?
Eh sa alcoholic drinks? Kung ganun, handa ka na ba sa parating na bagong produkto na ito? Meet PALCOHOL. As in Powered Alcohol. Isang bagong produkto na ilalabas pa lang sa U.S. Katulad ng iyong paboritong juice drink, kailangan mo lang ng tubig (o ang iyong paboritong mixer) at presto, may inumin ka na! Dahil nga powdered form at nasa pakete, madali itong dalhin ('di ka na dadala ng mabigat na bote, o maghanap ng bar sa paligid). Ang ilalabas na Palcohol ay may dalawang variants - Vodka at Puerto Rican Rum. May balak din silang maglabas ng mga cocktail flavors tulad ng Cosmopolitan at Mojito. Aprubado na ang produktong ito sa U.S. at ibebenta na ito ngayong taon. Para naman sa mga hindi makapaghintay, pwedeng mag order ng Palcohol via online kung gusto mong bumili kapag available na ito sa publiko. Paalala lang na ang powdered alcohol na ito ay dinesenyo upang inumin (kaya kapag may mga baliw jan na gustong hithitin ito, hindi din ninyo mae-enjoy yan). Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lamang sa Official Palcohol Website. BABALA: Ang produktong ito ay para lamang sa mga nasa legal na edad, 18 pataas.
Comments
XAMBAYAN pilipinaS
|
XAMBAYANPinoy na Pinoy. Poll!
Vault
April 2017
Topics
All
|