Madami na nangyari. Mula sa bagong layout ng Xambayan site hanggang sa pagsuko ni Janet Napoles. Ngayon, heto nanaman tayo sa BER months, tanda ng papalapit na pagtatapos ng taong 2013! Ang iba sa ating mga kaXambayan ay nagsisimula nang magkabit ng mga Christmas Decorations at maglinis ng Christmas Tree na ilalagay sa kung saan. Sana naman ay masaya ang Pasko ng mga kaXambayan natin na nasalanta ng mga bagyo ngayon taon. Sana naman ay patuloy na umunlad ang bansa at maramdaman natin ito, hindi lang narinig sa SONA ni PNoy. Sana naman ay maging mapanuri ng husto ang mga kaXambayan natin, para hindi na maloko ng mga mapangahas na mga opisyal ng Gobyerno. Sana ay tumatak sa isip nila ang matagal na nilang alibi sa paggawa ng kabulastugan. "FREE country" kuno ang Pilipinas. Malakas ang boses ng mga tao at ramdam ang DEMOKRASYA sa bansa. Ito ang rason ng iba kung bakit hindi sila nagdadalawang isip sa mga ginagawa nila. Oo nga. FREE country nga tayo. FREE to be robbed by greedy Gov't people. FREE to do any crime in the streets. FREE to speak of ill to our fellow countrymen. Masyadong FREE na wala na tayong DISIPLINA. Wala nang nagmamahal sa bansa. Kung malaya ang Pilipinas, bakit ayaw ng mga mismong Pilipino sa Pilipinas? Bakit parang pakiramdam natin ay nakakulong tayo sa impyernong ito at hindi tayo makatakas sa sumpa ng Pilipinas?
Madami na nangyari. Madami pa ang mangyayari. Pero dapat tayo maging kritikal sa ating sarili. Dapat nating mahalin ang bansang ito, kung hindi, tayo rin ang magsisisi sa huli. BER MONTHS na. Hihintayin pa ba natin ang 2014?
Comments
|
XAMBAYANPinoy na Pinoy. Poll!
Vault
April 2017
Topics
All
|